Sunday, November 22, 2009

Summoner's Golden Ride



  Ang pinaka astig na prize sa Mu Season 4 Philippines ay ang Golden Fenrir at ang pinaka masuwerteng makaka kuha nito ang mga bagong character ng Mu ang Summoner, pero isang summoner lang hindi lahat hehehe. Ang unang makaka tapos sa third job quest ng summoner ang kauna unahang makakasakay ng mahigawang pet na ito. Swerte naman ng Summoner na yun ASTIG niya kasi maliban sa kanya ang mga Game Master's lang ang nakita kong naka sakay nito. Si GM Asturias at GM Poneros noong First Castle Siege ng Mu Season 4 Philippines, si GM Astrurias nga hindi na nag Darkhorse, Gold Pet na ang gamit niya. kapag mayroon ka nito ang angas talaga ng dating.
  Sa totoo lang hindi pa ako nakakasakay ng Black at Blue pet ang alam ko lang ang Black pet may dagdag na Attack kaya ang mga PK builds lage naka sakay nito at yung Blue may dagdag na defense kaya ang mga Energy ELf ito ang hinahanap. Pero itong Golden Fenrir napaka hiwaga ng skills niya ano kaya yung + Illusion na damage niya? Invisible mode? tapos yung mga PK skills niya ang sakit ng damage din. sa pagkakaalam ko may natapos na sa third job quest ng Summoner kung sino man siya Congrats ang addict mo talaga hehehe. Kung gusto mo siyang makilala tulad ko Visit na sa Mu Online Season 4 Philippines para makita mo rin ang prize niyang Golden Fenrir.

No comments:

Post a Comment