Friday, November 20, 2009

Kung may itatapat sa Blade Master anu kaya?






  Alam naman natin na sa lahat ng mga Characters sa MU ang Blade master talaga ang may pinaka maraming builds na puwedeng gawin at pag imbentohan tulad ng Strength type pang PK, Agility type pang Hunt, Vitality type Holder sa Castle Siege, Agility Vitality type pang Duelmaster Event, Energy type Sweller pang kikay kit sa mga PK builds, Partner ng Darklord ( Guildmaster sa Siege ) kasi pg walang sweller luge sa QQQ pag sealing na, sisihin pa ang Guildmaster kapag na talo. Kapag sinisi ng mga kasama ito reply " na DC kasi ang Sweller". ang dami talagang silbi ang Blade knight/ Blade master sa Continent ng Mu parang sila talaga ang bida dito noh? kasi kapag na PK ng mga bully ang low level na character mo ang sinasabi mo " Wait ka dito ha kunin ko BK/BM ko. hehehe so yung bully kapag hindi gaano Mamaw matatakot talaga kasi iniisip niya na baka may pair BB ito dadapa ako nito so switch character agad yung bully at pag dating mo sasabihin mo hahaha takot naman pala sa BK/BM ko ata kapag mamaw naman yung bully at napa dapa mo sa makunat mong Combo ito naman ang sasabihin "dapain".

  Sino naman hindi dadapa kung naka pair Bone Blade ka kaya isang Bone Blade lang +200 additional damage na yun, eh kung pair nako po +400 additional damage na. Total ang panget naman din kasing  tignan kung ang ibang characters tulad ng Soul master, Muse elf, Magic gladiator at Darklord kung pair weapon ang gagamitin nila hehehe imagine niyo nalang yung elf kung 2 bows gamit niya hehehe.

  Sa summoner naman akala ko ang sexy at magandang babae na ito ang tatapat na sa kakayahan ng BK/BM, eh parang mahihirapan din ata Tapos ang gaganda din ng mga gears ng BK/ BM din medyo angat ang gears nila sa ibang gears ng ibang characters.


Ngayon ang Nagbabagang tanong may character kaya na kayang tapatan ang BK/BM sa hinaharap ng Mu? at papayag ka ba kung kamukha at dito mag base ng mga skills ang webzen kay Manny Pacquiao o ni Edward Cullen ang mga ito? Sabagay sila naman ang sikat ngayon at matinik din at makunat sila sa mga Kaaway at mga Babae tulad ng BK/BM kasi kapag may naka party ang BK/BM na elf or summoner ang tinatanong kaagad anu name mo ate? may cellphone number kaba?hehehe. Kung sa skills naman both mabilis sila at malakas sila kung ma aaprove ang sure talaga Vampire si Edward at si Pacquiao ano kaya? Assassin? hehehe. Bahala na kung ano basta kayang tapatan ang Combo at Build ng BK/BM. 

  Sa ngayon Enjoy muna natin kung ano mayroon tayo.Nag simula na ang Mu Season 4. Ano pa ang hinihintay mo. Try mo na.Visit www.mobiusgames.net

1 comment:

  1. GO TRY THIS MU ONLINE IT IS SO COOOOOL!!!!

    http://mythnetwork.net/forum/showthread.php?547-MythMU-Server-Information!&p=5121#post5121

    ReplyDelete